𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗚𝗘:




Sa paggunita ng Undas 2025, ang Municipal Health Office (MHO) ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, Batangas ay nakahanda upang magbigay ng serbisyong medikal at agarang tugon sa ating mga kababayan na dadalaw sa mga sementeryo.
Nakatalaga ang mga kawani ng MHO sa mga first aid station sa help desks sa mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga bumibisita sa mga yumao nilang mahal sa buhay. 
Paalala naman ng MHO sa publiko na umiwas sa sobrang init, uminom ng sapat na tubig, at magdala ng sariling panangga sa araw o ulan. Hinihikayat din ang pagsusuot ng face mask sa matataong lugar dahil sa tumataas na kaso ng influenza-like illness.
Ang inyong kaligtasan at kapakanan ang prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, kasama ang iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa pangunguna ng San Juan Municipal Police Station, at mga civil society organizations at volunteer groups.
Para sa anumang emergency, makipag-ugnayan sa:
San Juan Municipal Police Station: 09153850205 / 09985985701
Mdrrmo San Juan Batangas: 09150936095
09288918411 (Buhaynasapa ERU)
09288918440 (Laiya ERU)
#OneSanJuan 
#BetterSanJuan 
#LigtasUndas2025

Post a Comment

0 Comments