𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗚𝗘:





Hindi lamang sa mga sementeryo sa kabayanan naka-duty ang pinagsanib na puwersa ng LGU San Juan, national government agencies sa pangunguna ng San Juan Municipal Police Station, at civil society organizations/volunteer groups, dahil may mga nakatalaga ring assistance o help desks sa Brgy. Laiya Ibabao kung saan matatagpuan ang Tierra Sagrada (private cemetery) at pampublikong sementeryo.

Nagsagawa na rito ng clearing operations para mapadali ang daloy ng mga sasakyan at tao, at pagtatayo ng mga tent para sa first aid stations at help desks sa paligid ng sementeryo, upang magbigay ng gabay at agarang tugon sa anumang sitwasyon.

Sa paggunita ng Undas 2025, buong puwersa ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, kasama ang iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa pangunguna ng San Juan Municipal Police Station, at mga civil society organizations at volunteer groups sa pagsiguro ng kaligtasan, kaayusan, at kapanatagan ng bawat San Juaneño at bisitang dadalaw sa mga sementeryo sa bayan.

Nananawagan naman ang LGU sa lahat ng bibisita na panatilihin ang disiplina at kalinisan sa mga sementeryo. Mahigpit din ang paalala ng awtoridad na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran gaya ng pagbabawal sa pagdadala ng mga alak, matutulis na bagay, malalakas na sound system, at anumang maaaring magdulot ng abala o panganib sa kapwa. Paalala rin sa mga bata at nakatatanda na mag-ingat at laging manatili sa piling ng kanilang mga kasama.

Para sa anumang emergency, makipag-ugnayan sa:

San Juan Municipal Police Station: 09153850205 / 09985985701

Mdrrmo San Juan Batangas: 09150936095

09288918411 (Buhaynasapa ERU)

09288918440 (Laiya ERU)

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan 

#LigtasUndas2025

Post a Comment

0 Comments