𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗚𝗘:






Patuloy ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng LGU San Juan sa pagtiyak ng kaligtasan at kaayusan ng lahat ng mamamayan ngayong Undas 2025. Buong puwersang nakatutok ang MDRRMO rescue teams, medical responders, at emergency personnel upang magbigay ng agarang tulong sa anumang insidente. 

Nakaantabay din ang mga communication at monitoring teams ng MDRRMO sa mga sementeryo maging sa Brgy. Laiya Ibabao, upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan at Sangguniang Bayan Members, kasama ang iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan, at mga civil society organizations at volunteer groups ay sinisiguro ang mapayapa, maayos, at ligtas na paggunita ng Undas 2025. 

Para sa anumang emergency, makipag-ugnayan sa:

San Juan Municipal Police Station: 09153850205 / 09985985701

Mdrrmo San Juan Batangas: 09150936095

09288918411 (Buhaynasapa ERU)

09288918440 (Laiya ERU)

#OneSanJuan 

#BetterSanJuan 

#LigtasUndas2025


Post a Comment

0 Comments