𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗬𝗖𝗟𝗢𝗡𝗘 (𝗧𝗖)-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧






Date Issued: 30 October 2025

Validity: Valid within the forecast period, unless superseded by succeeding forecast.

Forecast Summary:

WEEK 1 (OCTOBER 30, 2025 - NOVEMBER 05, 2025)

🔴 SA KASALUKUYAN, WALANG TROPICAL CYCLONE-LIKE VORTEX (TCLV) SA LOOB NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY (PAR). 

🔴 PARA SA UNANG LINGGO NG FORECAST PERIOD (WEEK-1), TATLONG TROPICAL CYCLONE-LIKE VORTICES (TCLVs) ANG POSIBLENG MABUO SA LOOB NG PAGASA MONITORING DOMAIN (PMD). 

🔴 ANG TCLV1 AY POSIBLENG MABUO SA SULU SEA NGUNIT MABABA ANG TYANSA NA ITO AY MAGING ISANG BAGYO. 

🔴 SAMANTALA, ANG TCLV2 NAMAN AY POSIBLENG MABUO SA TIMOGSILANGANG BAHAGI NG TROPICAL CYCLONE ADVISORY DOMAIN (TCAD) AT PAR AT MATAAS ANG TYANSA NA ITO AY MAGING ISANG BAGYO. INAASAHAN NA ITO AY KIKILOS PATUNGONG VISAYAS AT SOUTHERN LUZON AREA. 

🔴 DAGDAG PA RITO, ANG TCLV3 NAMAN AY POSIBLENG MABUO SA SILANGANG BAHAGI NG TROPICAL CYCLONE INFORMATION DOMAIN (TCID) NGUNIT, MABABA ANG TYANSA NA ITO AY MAGING ISANG BAGYO.  

WEEK 2 (NOVEMBER 06, 2025 - NOVEMBER 12, 2025)

🔴 PARA NAMAN SA IKALAWANG LINGGO NG FORECAST PERIOD (WEEK-2), ANG TCLV2 AY INAASAHAN NA TATAWIRIN ANG VISAYAS-SOUTHERN LUZON AREA AT NANANATILING MATAAS ANG TYANSA NA ITO AY MAGING ISANG BAGYO. 

🔴 SAMANTALA ANG TCLV3 NAMAN AY INAASAHAN NA PAPASOK NG PAR AT KIKILOS PATUNGONG NORTHERN LUZON AT HANGGANG KATAMTAMAN ANG TYANSA NA ITO AY MAGING ISANG BAGYO. 

🔴 DAHIL DITO, NAKATAAS ANG TC THREAT POTENTIAL SA LOOB NG FORECAST PERIOD. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito:

ℹ️ https://bit.ly/TCTHREATDOSTPAGASA

Gayunpaman, ang anumang mga pagbabago sa pagtaya na ito ay susubaybayan ng ahensya at ang mga updates tungkol dito ay ibibigay kung kinakailangan.

Bisitahin lang ang link na nasa baba para ma-access ang Rainfall Exceedance Probability Forecast ng ahensya. Nilalahad sa produktong ito kung saang lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng malalakas na mga pagulan sa susunod na dalawang linggo.

ℹ️ https://bit.ly/S2SDOSTPAGASA

--

❗𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Inaanyayahan ang publiko at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) na mag antabay sa mga susunod na updates ng ahensya dahil maaari pang magbago ang pagtaya o forecast na ito anumang oras.

Ang official forecast track ng mga nabuong bagyo ay mahahanap sa official social media pages at website ng ahensya.

Ang produktong ito ay ina-update tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes (MWF) o kung kinakailangan upang masiguro na ang forecasts na ini-issue ng ahensya ay updated.

Source: DOST-PAGASA

Post a Comment

0 Comments