Nagpaabot ng taos-pusong tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php 50,000 ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD para sa naiwang pamilya ng isang yumaong Lupon Tagapamayapa, bilang pagkilala at pasasalamat sa kanyang naging tapat na paglilingkod sa komunidad.
Ang nasabing tulong pinansyal ay mula sa insurance, partikular sa consideration amount na isinulong at pinagsikapang maiproseso ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Gng. Charito Salas ng Office of the Municipal Mayor, bilang pagpapahalaga sa mga nag-alay ng serbisyo para sa kapayapaan at kaayusan ng bayan.
Personal na iniabot ni MAYOR BEEBONG ang tulong na lubos namang ipinagpasalamat ng pamilya ng yumaong Lupon Tagapamayapa.
0 Comments