Sa pangunguna ni Municipal Health Officer, Dr. Nestor Alidio, Jr., nagsagawa ng Epidemiology and Surveillance Training ang Municipal Health Office ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan na dinaluhan ng mga kawani ng MHO.
Layunin ng pagsasanay na ito na palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mga health worker pagdating sa tamang pagkilala, pagtugon, at pag-uulat ng mga kaso ng nakakahawang sakit lalo na sa panahon ng outbreak o epidemya.
Tinalakay sa unang araw ng pagsasanay ang mga paksang 'Public Health Surveillance' sa panunguna ni G. Vincent Nolasco, RN, MPM; 'Core Surveillance Activities: Detection, Registration and Reporting, Confirmation' ni Ms. Myreen Valenzuela, RN; 'Introduction to Event-Based Surveillance' ni Ms. Hannah Mae Blanco, RN; at 'Introduction to the Workshop' ni G. Rene dela Peña.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, mas napapalakas ang kapasidad ng mga lokal na health workers na maging maagap at epektibo sa pagpigil sa pagkalat ng sakit at sa pangangalaga ng kaligtasan ng mamamayan, na laging isa sa mga prayoridad ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamamagitan ng MHO na isulong ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa bayan at bawat mamamayan.
0 Comments