Ilang bagyo ang ating aasahan sa mga susunod na buwan? 🌀⛈️
Inaasahan na hanggang 15 na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) simula buwan ng Setyembre 2025 hanggang Pebrero 2026.
Makikita sa infographic na nasa ibaba ang climatological tracks ng mga bagyong dumaan at pumasok ng PAR mula taong 1948 hanggang 2015 at ang bilang ng mga bagyo na maaring mabuo kada buwan.
Ang pagtaya na ito ay base sa 187th Climate Outlook Forum ng ahensya noong ika-27 ng Agosto 2025. Ang susunod na update ay gaganapin sa 188th Climate Outlook Forum sa darating na ika-24 ng Setyembre 2025.
Para sa karagadagang impormasyon, bisitahin lamang ang official website ng ahensya:
0 Comments