125th Philippine Civil Service Anniversary


Sa isang seremonya, opisyal na binuksan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang Municipal Employees Sports Fest na bahagi ng selebrasyon ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, Batangas ng 125th Philippine Civil Service Anniversary.

Kasamang dumalo ng punongbayan sa aktibidad na inorganisa ng Human Resource Management Office (HRMO) sina Municipal Administrator Annalyn Macaraig, mga department head, at mga kapwa halal na opisyal ng bayan gaya nina Sangguniang Bayan Members, Konsehal Florencio De Chavez, Konsehal Shalimar Salud, Konsehal Miljun Magadia, Konsehal Owen Manimtim, at ABC President Liwelyndo Vergara, na nagbigay ng kani-kanilang mensahe para sa selebrasyon ng 125th Philippine Civil Service Anniversary.

Bida ng pagdiriwang ang mga lingkod bayani o kawani ng pamahalaan na ibinida rin ang kani-kanilang team na kinabibilangan: ang Red Titans, Purple Acers, Pink Panthers, Emerald Green Slayers, Black Warriors, Blue Eagles, Yellow Strikers, at Gray Crushers.

Tampok din sa aktibidad ang mga muse at escort ng walong koponan para sa Search for Mr. and Ms. 125th Philippine Civil Service Anniversary Sports Fest 2025.

Nagsilbing mga hurado sina BFP San Juan Municipal Fire Marshal, FCINSP Marck Christopher Pila; San Juan Municipal Police Station Chief of Police (Officer-in-Charge), PLTCOL Crispin Kubiaran Banes; at BJMP San Juan, Batangas Assistant Municipal Jail Warden, Senior Jail Officer IV Warren Esquilona.

Matapos ang presentasyon ng mga muse at escort, itinanghal na Mr. and Ms. 125th Philippine Civil Service Anniversary Sports Fest 2025 sina Mr. Alvin Metrillo mula sa Yellow Strikers at Ms. Josel Maranan mula sa Black Warriors.

Samantala, pinangunahan nina John Allen Ilao at Mark Jonel Garcia ang Lighting of Torch, na sumisimbolo sa ningas ng dedikasyon, tapang, at pagkakaisa ng bawat lingkod bayan.

Si Bb. Leni Lyn De Ocampo naman ang nanguna sa pagbikas ng Athletes’ Oath o Panata ng mga Manlalaro, sagisag ng pagiging tapat, makatarungan, at may diwa ng pagkakaisa sa bawat laro.

Matapos pormal na ideklara ni MAYOR BEEBONG ang pagbubukas ng palaro, isinagawa ang unity dance bilang huling bahagi ng kick-off ceremony. 

Post a Comment

0 Comments