Umabot sa mahigit 200 residente mula Brgy. Poblacion at Brgy. Lipahan ang nahatiran ng serbisyo sa pamamagitan ng Intensified Delivery of Basic Services (IDBS), isang programa ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan at isa sa mga flagship program ng administrasyon ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD kasama ang buong Sangguniang Bayan.
Katuwang ang buong puwersa mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan at mga kawani mula sa National Government Agency, buong puso ang paghahandog ng mga programa para sa agaran at dekalidad na serbisyong nararapat para sa mga mamamayan ng bayan ng San Juan.
Sa pamamagitan ng IDBS, ang gobyerno na mismo ang lumalapit sa mga tao at naghahatid ng serbisyo sa mga barangay.
Samantala, nakiisa rin ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Shalimar Salud, Konsehal Miljun Magadia, at Konsehal Owen Manimtim.
Kapwa suportado ang aktibidad ng Sangguniang Barangay ng Poblacion sa pangunguna ni Barangay Chairman Clarice Castillo at Sangguniang Barangay ng Lipahan sa pangunguna ni Barangay Chairman Rommel Magsino.
Layon ng programa na mapalalim ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga mamamayan at maihatid ang mga serbisyong higit na kailangan ng mga nasa malalayong komunidad, tungo sa isang mas inklusibo at progresibong lokal na pamahalaan kung saan ang bawat mamamayan, saan mang bahagi ng bayan, ay nararamdaman ang malasakit at tunay na paglilingkod ng gobyerno.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments