Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)



Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), matagumpay na naisagawa ang programang “Strengthening Community Resilience: Development and Enhancement of BDRRM and Contingency Plans” nitong Agosto 25 hanggang 26 sa Calamba City, Laguna.

Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang sina Konsehal Wenilo Ada, Sangguniang Bayan Member at Tagapangulo ng Komite ng DRR, at Gng. Annalyn Macaraig, Pambayang Administrador/Action Officer, sa pamamagitan ng MDRRMO, at sa patnubay ni G. Rodel Gamban, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO). 

Lubos ding ipinahayag ang suporta ng mga Punong Barangay na pinangunahan ni ABC President Liwelyndo Vergara.

Dinaluhan ito ng tatlumpu’t siyam (39) na barangay na nabigyan ng dagdag na kaalaman at kasanayan mula kina Gng. Noralyn Nera, Department Head ng MDRRMO; Bb. Alyssa Kae Ramos, LDRRMO I; at G. Jose Hans Nera, Department Head ng Local Civil Registry Office.

Lubos ang pasasalamat ng Tanggapan ng MDRRMO sa lahat ng naging bahagi ng programang ito na nagbigay-daan sa matagumpay na pagsasakatuparan ng mga layunin nito.

Sa nasabing aktibidad, aktibong nakapagsagawa at nakapagbalangkas ang bawat barangay ng kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan at Contingency Plan. 

Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng bawat pamayanan sa harap ng iba’t ibang uri ng sakuna at panganib.

Ang prosesong ito ay hindi lamang nakatulong sa pagpapatibay ng mga plano, kundi nagsilbi ring plataporma para sa mas malalim na pakikipag-ugnayan, pagtutulungan, at pagbabahaginan ng kaalaman sa pagitan ng mga opisyal ng barangay, MDRRMO, at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng programa na matiyak na ang bawat pamilya at mamamayan ng San Juan ay kabilang sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad sa harap ng anumang sakuna o hamon ng panahon. (Mdrrmo - San Juan, Batangas)

#OneSanJuan 
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments