Nakipagpulong sina Sangguniang Bayan Members, Committee on Environmental Protection Chairperson Councilor Owen Manimtim at Vice Chairperson Councilor Shalimar Salud kay Economic Enterprise and Management Office (EEMO) Head Dr. Sally Llaga, kaugnay ng mga plano para sa higit pang pagpapabuti ng slaughterhouse ng pamahalaang bayan.
Pinag-usapan din ang mga mungkahi at susunod na hakbang para sa slaughterhouse kasunod ng naging benchmarking activity ng lokal na pamahalaan sa Alfonso, Cavite.
Sa pamamagitan ng pulong, pinagtutulungang tugunan ang iba pang pangangailangan sa pasilidad upang mas mapabuti pa ang serbisyo sa mga mamamayan.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments