𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡: 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 | Isinagawa ng Municipal Health Office ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, Batangas sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD katuwang ang Culion Foundation ang libreng chest x-ray para sa mga residente ng Brgy. Calitcalit nitong Miyerkules, Agosto 27, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng LGU San Juan laban sa tuberculosis at iba pang sakit sa baga.
Layunin ng programang ito na maagapan ang anumang posibleng karamdaman sa baga sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at pagbibigay ng nararapat na atensyong medikal.
Aktibong nakilahok ang mga residente sa isinagawang aktibidad na bahagi rin ng mas pinalawak na programa ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng MHO para sa pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Patunay ito ng patuloy na pagtutok ng MHO, alisunod sa direktiba ni MAYOR BEEBONG, sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Nagpasalamat naman ang MHO sa Culion Foundation, Sangguniang Barangay ng Calitcalit sa pangunguna ni Barangay Chairman Liwelyndo Vergara at sa mga BHW na nagsilbing katuwang sa programa.
#OneSanJuan
#BetterSanJuan
0 Comments