Agad binisita ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pamamagitan ni Municipal Administrator Annalyn Moraleja-Macaraig at ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Arnold Enriquez, sa direktiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng mga pag-ulang dala ng habagat at Bagyong Crising sa Brgy. Catmon.
Nakipag-ugnayan ang LGU San Juan sa Sangguniang Barangay ng Catmon sa pamumuno ni Barangay Chairman June Perez, upang makapaghatid ng agarang tulong sa mga residenteng nakatira sa baybayin na nasiraan ng tahanan dahil sa habagat na sinabayan ng high tide.
Nagpapatuloy naman ang proyektong konkretong seawall ng Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, na layong protektahan ang mga kabahayan malapit sa dalampasigan.
0 Comments