Nagsagawa ng Desk Officers Meeting ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa direktiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD


Nagsagawa ng Desk Officers Meeting ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa direktiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, na dinaluhan ng 42 barangay kagawad mula sa iba’t ibang barangay ng San Juan na ginanap ngayong araw, Hulyo 3, sa ABC Hall ng New Municipal Building.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Social Welfare Officer II Heidee Adan na may layunin na palalimin ang kaalaman at palakasin ang responsibilidad ng mga Desk Officers.

Naging tuon din ng pagpupulong ang mahahalagang impormasyon at gabay hinggil sa tamang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagbibigay-serbisyo sa mga kasong may kinalaman sa Violence Against Women and their Children o VAWC.

Ang aktibidad ay nagbibigay daan upang paigtingin ang proteksyon sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan laban sa anumang anyo ng karahasan ito man ay pisikal, emosyonal, sekswal, o mental.

Tinalakay rin sa pulong kung sino ang dapat italagang VAWC Desk Officer sa bawat barangay, gayundin ang ilang naging kakulangan sa maayos na pagpapasa ng impormasyon at agarang pag-aksyon mula sa ilang opisyal.

#OneSanJuan
#BetterSanJuan

Post a Comment

0 Comments