Nagpapatuloy ngayong Huwebes ng gabi, Hulyo 24, ang pagtupad sa tungkulin ng Pamahalaang Bayan ng San Juan




 

Nagpapatuloy ngayong Huwebes ng gabi, Hulyo 24, ang pagtupad sa tungkulin ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD para sa kapakanan ng bawat San Juaneño.

Dahil sa matinding pagbuhos ng ulan dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Emong, patuloy ang pagresponde ng LGU San Juan upang maiparating ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Alinsunod sa direktiba ng punongbayan, namahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang San Juan Municipal Police Station ng family food packs sa mga evacuee o internally displaced persons sa Brgy. Lipahan.
Hindi naging hadlang ang ulan at gabi upang maipadama sa bawat pamilya ang malasakit at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan.

Post a Comment

0 Comments