Dahil sa sama ng panahon bunsod ng Tropical Depression “EMONG” at habagat (Southwest Monsoon), suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan



 Dahil sa sama ng panahon bunsod ng Tropical Depression “EMONG” at habagat (Southwest Monsoon), suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa mga paaralan sa lahat ng antas, Byernes, ika-25 ng Hulyo, 2025 sa buong lalawigan ng Batangas alinsunod sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Nais ipaalam ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor (MAO) sa publiko na ang aplikasyon para sa pagpapalabas (issuance) at pagsang-ayon (concurrence) ng Veterinary Health Certificate (VHC) ay tatanggapin sa hapon ng Hulyo 25, 2025, mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM lamang. Isasagawa ito sa gawi ng Municipal Agriculture Office, Talahiban II, San Juan, Batangas. Maraming salamat sa iyong malawak na pang-unawa at manatili po tayong ligtas.

Post a Comment

0 Comments