𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐌𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐌𝐎𝐓, 𝐏𝐔𝐖𝐄𝐃𝐄 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐞𝐆𝐨𝐯𝐏𝐇 𝐀𝐏𝐏!
Puwede mo nang mahanap ang presyo ng gamot na iyong kailangan pati na rin ang generic nito—mas makatitipid ng 90% dahil mas mababa ang presyo pero kasing-epektibo rin ng branded medicines.
Isinusulong ng Department of Health and pagtangkilik sa mga generic alinsunod sa mandato ng Universal Health Care Law na nagsusulong na mapatibay ang access ng mga Pilipino sa mura at dekalidad na gamot. Suportado rin ito ng Generics Act of 1988.
Paalala rin ng DOH na mahalagang sundin ang reseta ng doktor at regular na inumin ang mga maintenance medicines para maiwasan ang paglala ng kondisyon gaya ng hypertension at diabetes.
Courtesy: Department of Health
0 Comments