Sumailalim sa Pre-Departure Orientation Seminar ang nasa 100 mga bagong Seasonal Farm Worker

 




Sumailalim sa Pre-Departure Orientation Seminar ang nasa 100 mga bagong Seasonal Farm Worker na kabilang sa ika-siyam at ika-sampung batch ng mga SFW na ipadadala ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa South Korea ngayong taon.

Ang PDOS ay isang mandatory seminar ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kailangang pagdaanan ng mga OFW bago sila magtrabaho o magtungo sa ibang bansa upang mabigyan ng Special Exit Clearance ng Department of Migrant Workers.
Tinalakay dito ang mahahalagang impormasyon katulad ng labor laws, at paghahanda sa kultura at pamumuhay sa ibang bansa na makatutulong upang mabawasan ang pagkakaroon ng culture shock.
Inihahanda rin sila rito sa adjustment sa bagong lugar na kanilang pupuntahan.
Nakatakdang isagawa ang send-off ceremony para sa ika-siyam at ika-sampung batch ng mga SFW bukas, June 4.

Post a Comment

0 Comments