Pinangunahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang send-off ceremony para sa karagdagang 127 seasonal farm workers





 Pinangunahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang send-off ceremony para sa karagdagang 127 seasonal farm workers mula sa ika-siyam at ika-sampung batch na bahagi ng nagpapatuloy na seasonal farmworkers program sa pagitan ng Hongcheon County at Pamahalaang Bayan ng San Juan.

Nakatakdang lumipad patungong South Korea ang naturang batch ng SFW ngayong gabi, Hunyo 4.
Dumalo rin sa send-off ceremony at nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe at paalala sina Municipal Administrator Annalyn Moraleja-Macaraig, Sangguniang Bayan Secretary Margarito Sevilla, Jr., Municipal Councilor Rowena Magadia, Municipal Agriculturist Felix Leopango, Municipal Civil Registrar Hans Nera, Mrs. Lorna Cuarto at Ms. Mary Jane Umali mula sa International Cooperation Team, at kinatawan ni Municipal Councilor Wenilo Ada.
Nagpakita rin ng suporta sa mga SFW ang Unang Ginang ng Bayan, Mayora Gina Salud.
Nasa 890 ang kabuuang bilang ng seasonal farm workers na nakatakdang ipadala ng lokal na pamahalaan sa Hongcheon County ngayong taon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga SFW at kanilang pamilya sa buong Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD para sa naturang programa.

Post a Comment

0 Comments