ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa isang makabayang seremonya ng pagtataas ng watawat na ginanap sa New Municipal Hall sa Barangay Buhaynasapa, Hunyo 12





 Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng administrasyon ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa isang makabayang seremonya ng pagtataas ng watawat na ginanap sa New Municipal Hall sa Barangay Buhaynasapa, Hunyo 12.

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG) - San Juan ang flag raising ceremony.
Sinundan ito ng isang taimtim na panalangin na pinangunahan ni Dr. Nestor Alidio, Jr., Municipal Health Officer ng San Juan.
Pinangunahan naman ni San Juan, Batangas Municipal Employees’ Association (SJBMEA) Outgoing President Len Comia ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Nagbahagi rin si Police Major Ernesto Chavez, Officer-in-Charge ng San Juan Municipal Police Station, tungkol sa kwento ng Kalayaan ng bansang Pilipinas.
Naging mahalagang bahagi ng seremonya ang paggagawad kay Patrolman Francis Castillo Postrado ng pagkilala para sa kanyang katangi-tanging kabayanihan bilang miyembro ng Special Electoral Boards (SEBs) na tumulong sa Commission on Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong nagdaang 2025 National and Local Elections.
Ang kanyang paglilingkod mula Abril 25 hanggang Mayo 29, 2025 ay kinilala bilang isang gawaing higit pa sa tungkulin at nagbigay dangal sa buong Philippine National Police.
Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng San Juan at mga punong barangay.
Nagbigay ng mensahe sa ngalan ng punongbayan si Municipal Administrator Annalyn Moraleja-Macaraig.
Buong puso ring nakiisa at nagbahagi ng mensahe sina Sangguniang Bayan members, Councilor Atty. Grenalyn Virtusio at Councilor Rowena Magadia.
Nagtapos ang pagdiriwang sa isang pagtatanghal mula sa SayawJuan San Juan Performing Arts Group, bilang pagpupugay sa kultura at kasaysayan ng bayan.

Post a Comment

0 Comments