𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐁𝐔𝐘𝐀𝐎, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀!

 




𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐁𝐔𝐘𝐀𝐎, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀!

Nakiisa ang mga Katolikong San Juaneño mula Brgy. Buhaynasapa sa Grand Vincentian Procession sa Mamatid, Cabuyao City, Laguna, tampok ang mga pinipintuhong imahen ni San Vicente Ferrer mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Kasama sa prusisyon ang orihinal at pinaniniwalaang milagrosong imahen ni San Vicente Ferrer de Buhaynasapa ng bayan ng San Juan na sinasabing natagpuan noong 1880s sa bahagi ng Tayabas Bay na karagatang sakop ng bayan, at nagsisilbing simbolo ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ng komunidad.
Bukod sa San Juan Nepomuceno Parish Church, Mahal na Señor, Mt. Calvary, at St. Padre Pio Hill Chapel, isa rin ang imahen na matatagpuan sa San Vicente Ferrer Chapel sa mga dinarayo ng mga pilgrim at deboto na nagtutungo sa bayan na nakatutulong sa patuloy ding pag-usbong ng religious o faith-based tourism ng San Juan.

Post a Comment

0 Comments