Pangungunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang selebrasyon sa bayan ng 127th Philippine Independence Day o Araw ng Kalayaan ngayong Huwebes, Hunyo 12, na deklaradong regular non-working holiday sa buong bansa.
Isasagawa ang flag raising ceremony o pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas, 7:30 ng umaga, sa New Municipal Grounds kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan, kung saan mangunguna sa pagtataas ng bandila ang BFP, BJMP, at PCG-San Juan.
Kabilang sa mga magbibigay ng mensahe para sa Araw ng Kasarinlan sina MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, Vice Mayor Anthony Marasigan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at si Municipal Administrator Annalyn Macaraig.
Magbabahagi naman ng maikling paglalahad tungkol sa Araw ng Kalayaan si PMAJ. Ernesto Chavez, OIC ng San Juan Municipal Police Station.
Magtatanghal din ang SayawJuan San Juan Performing Arts Group.
Samantala, nakatampok ang bandila ng Pilipinas sa bago at lumang munisipyo ng bayan, sagisag ng pakikiisa sa pagdiriwang ng 127th Philippine Independence Day.
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡! 

0 Comments