Umabot sa 143 mga batang lalaki ang naging benepisyaryo sa isinagawang 'One San Juan Operation Tuli 2025' ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamamagitan ng Municipal Health Office.
Layunin ng programa na makapaghatid ng libreng tuli sa mga batang lalaki sa bayan upang makatipid ang mga ito at hindi na gumastos pa.
Pagtugon din ito sa kahilingan ng iba't ibang barangay na magkaroon ng taunang libreng tuli.
Naisusulong sa programa ang good hygiene at pag-iwas sa mga posibleng sakit at impeksyon na maaaring makuha kung hindi sasailalim sa pagpapatuli.
Ang programang gaya nito ay patunay lamang na pinagtutuunan ng pansin ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng administrasyon ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang iba't ibang sektor kabilang na ang sektor ng kalusugan.
0 Comments