Ngayong National Heritage Month, kilalanin natin ang tagapagtatag o 'founder' ng bayan ng San Juan, Batangas!



 Ngayong National Heritage Month, kilalanin natin ang tagapagtatag o 'founder' ng bayan ng San Juan, Batangas!

Si Don Camilo Perez ang kauna-unahang Gobernadorcillo ng San Juan de Bolboc (ngayon ay San Juan) sa orihinal nitong lokasyon na tinatawag ngayong Lumang Bayan o Pinagbayanan. Siya ang gumawa ng paraan upang maihiwalay ang San Juan sa bayan ng Rosario noong 1843, hanggang opisyal itong kilanlin bilang hiwalay na munisipalidad noong 1848. Dahil dito, kinilala si Don Camilo Perez bilang tagapagtatag ng bayan ng San Juan.
Matapos maganap ang malawakang pagbaha taong 1883, nagpetisyon si Don Camilo noong Enero 18, 1886 sa Spanish Government na nakakasakop noon sa Pilipinas, na ilipat ang sentro ng bayan (ngayon ay Brgy. Pinagbayanan) sa kasalukuyang lokasyon nito na alam natin ngayon bilang Brgy. Poblacion.
Naging kontribusyon din ng kanyang pamumuno ang mga pampublikong proyekto at pagawain at ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Pinaniniwalaang nagmula ang kanyang pamilya sa Ibaan habang ang kanyang asawa na si Doña Petra Triviño ay mula naman sa Tiaong, Quezon. Biniyayaan sila ng apat na anak na sina Andres, Francisca, Luciana, at Alfredo, pawang mga naging ninuno ng maraming pamilya sa San Juan.
Ipinanganak noong 1810, pumanaw si Don Camilo Perez noong Mayo 24, 1889.

Post a Comment

0 Comments