Ngayong Lunes, Mayo 12, 2025 na araw ng halalan, mahalagang alam natin ang tamang paraan ng pagboto kaya naman narito ang ilang mga hakbang at gabay mula sa COMELEC:
Siguruhing kabisado ang iyong precinct number para sa mas mabilis na proseso. Sumunod sa pila sa holding area. Maaaring hanapin ang lugar ng inyong pagbobotohan at precinct number online sa COMELEC Precint Finder: https://precinctfinder.comelec.gov.ph.
2. Lumapit sa Electoral Board.
Paglapit sa Electoral Board, banggitin sa kanila ang iyong pangalan, precinct number, at sequence number.
3. Titingnan ang inyong pangalan sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL).
Susuriin ng Electoral Board kung ang iyong pangalan ay nasa Election Day Computerized Voters List (EDCVL) at titingnan ang iyong kuko kung ito ay may indelible ink upang siguruhin kung ikaw ay nakaboto na o hindi pa.
4. Ibe-beripika ng Electoral Board ang inyong pagkakakilanlan.
Susuriin ng EB ang iyong pagkakakilanlan at pagtapos ay papipirmahin ka sa EDCVL.
5. Kunin ang balota sa Election Board Chairperson.
Kumuha ng balota, ballot secrecy folder, at marking pen.
6. Pumunta sa voting area at bumoto.
Magtungo sa iyong voting area para bumoto. Itiman ang bilog na katabi ng pangalan ng kandidatong nais mong iboto. Huwag bumoto nang sobra sa nakatalagang bilang sa bawat posisyon.
7. Ipasok ang balota sa Automated Counting Machine (ACM).
Ilagay ang iyong balota sa ACM para mabilang ang iyong boto. Hintaying ma-print ang resibo at i-check ang ballot image sa screen.
8. I-check ang resibo at ihulog sa lalagyan.
Suriin ang iyong voter’s receipt at ihulog ito sa nakatalagang lagayan. Ibalik ang secrecy folder at marking pen.
9. Magpalagay ng indelible ink sa kuko.
Magpalagay ng indelible ink sa iyong hintuturong daliri bilang patunay na ikaw ay nakaboto na.
MAHALAGANG PAALALA: Magsisimula ang REGULAR VOTING HOURS mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Magkakaroon naman ng EARLY VOTING HOURS mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga para sa PWDs, senior citizens, kasama ang kanilang assisters–kung mayroon man, at mga buntis na botante. Sakaling hindi makaboto sa nakatakdang oras, mayroong nakatalagang priority lane at voting area na maaaring puntahan.


0 Comments