𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐬𝐚 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 - 𝐦𝐚𝐠-𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲!



 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐬𝐚 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 - 𝐦𝐚𝐠-𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲!

Inaanyayahan po ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, katuwang ang Liga ng mga Barangay at iba't ibang NGOs, ang lahat ng may kapasidad na makapag-donate ng dugo sa ating Dugtong Buhay 2025 Bloodletting Activity sa ika-19 ng Hunyo 2025 na gaganapin sa Multi-purpose Hall, New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.
Bago makapagbigay ng dugo, kailangan ang mga sumusunod:
 Iwasan ang paginom ng alak at pagsisigarilyo sa loob ng 24 oras.
 Kumain ng sapat na pagkain at uminom ng 8 baso ng tubig.
 May sapat na tulog mula 6-8 oras
 May maayos na blood pressure, pulso, temperature at hemoglobin level
 May timbang na hindi bababa sa 50 kilo
 Walang anumang maintenance ng gamot
Maaari nang mag-register dito:
𝐒𝐀𝐕𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐀𝐓𝐄, 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍!

Post a Comment

0 Comments