Send-Off Ceremony ngayong araw, April 10, para sa ikalimang batch ng San Juan Seasonal Farm Workers na patungong Hongcheon-gun sa South Korea.

 





Pinangunahan ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD ang Send-Off Ceremony ngayong araw, April 10, para sa ikalimang batch ng San Juan Seasonal Farm Workers na patungong Hongcheon-gun sa South Korea.

Kasamang dumalo sa aktibidad sina Vice Mayor Anthony Marasigan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang International Cooperation Team.
Sa ilalim ng nagpapatuloy na Sisterhood Agreement sa pagitan ng San Juan, Batangas at Hongcheon-gun, South Korea, 94 na bagong farm workers ang nabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa loob ng lima hanggang walong buwan sa naturang bansa.
Ngayong taon, aabot sa kabuuang 890 seasonal farm workers mula San Juan, Batangas ang ipadadala sa South Korea, patunay na tagumpay ang mga programang pangkabuhayan at ang ugnayang internasyonal sa ilalim ng mapagkaisang pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.

Post a Comment

0 Comments