Matagumpay na naisagawa ang 'Search for HUWARANG PANTAWID PAMILYA' ngayong taon sa pangunguna ng MSWDO sa ilalim ng pamamahala ni Municipal Social Welfare and Development Officer Arnold Enriquez, alinsunod sa direktiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.
Sa programang ito, kinilala at binigyang-pugay ang mga pamilyang nagsisilbing inspirasyon sa kanilang komunidad at sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), upang magpasalamat at magbigay-pugay sa mga pamilyang nagsisilbing huwaran sa kanilang mga komunidad at sa programa. Ito rin ay isang daan para mapabuti ang buhay ng bawat pamilya. Naging hosts ng programa sina Aubrey Heart Navia at Deric Luistro, at dinaluhan ito ng 13 pamilya.
Mula sa Barangay Palahanan 2.0, itinanghal bilang Huwarang Pamilya Awardee 2025 ang Amba Family, na nagpakita ng matibay na samahan, positibong pagpapahalaga sa pamilya, at aktibong pakikilahok sa komunidad. Samantala, itinanghal bilang 1st runner-up ang Abanilla Family, habang nakuha naman ng Magbago Family ang 2nd runner-up. Ang tagumpay ng programang ito ay dahil din sa patas na paghusga ng mga piling hurado na sina April Rose Manalo, Marianne A. Macaraig, at Heidee B. Adan. Sa pamamagitan ng Huwarang Pamilya Program, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan at DSWD ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga pamilya, tamang paggamit ng programa, at mas magandang kalidad ng pamumuhay para sa bawat benepisyaryo ng 4Ps.
0 Comments