Linggo ng Palaspas na hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.



 Nakikiisa po ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa buong sambayanang Kristiyano sa paggunita ng Linggo ng Palaspas na hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

Ngayong Linggo ng Palaspas, alalahanin natin ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem habang binabati siya ng mga tao na may dala-dalang mga palaspas, eksaktong isang linggo bago ang Kanyang muling pagkabuhay.
Sumisimbolo ang pagwagayway sa palaspas ng pagwagayway rin ng mga mananampalataya sa kanilang mga buhay bilang pagtalima sa kalooban ng Diyos.
Gamitin natin ang panahong ito upang magnilay, magbalik-loob, at manalangin bilang nagkakaisang bayan ng San Juan.

Post a Comment

0 Comments