𝟓𝟎 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐑𝐈𝐂𝐄





 𝟓𝟎 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐑𝐈𝐂𝐄

Nakibahagi ang nasa 50 magsasaka at magpapalay na lider at miyembro ng mga asosasyon sa San Juan sa isinagawang Lakbay Palay Off-Station Varietal Demo Field Walk ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños sa Municipal Agriculture Office (MAO).
Kabilang sa mga dumalo sa ikaapat na Lakbay Palay sa bayan ng San Juan sina Municipal Agriculturist Felix Leopango, Assistant Municipal Agriculturist Erwin Bragas, Assistant PhilRice Branch Director Imelda Olvida, Science Research Specialist Rizaldy Pedron, at ibang mga kawani ng PhilRice.
Lumahok ang mga magpapalay sa pagbisita, pag-obserba, at pagpili sa mga napusuan nila sa siyam na variety na ipinakita ng PhilRice kabilang ang NSIC Rc 622, NSIC Rc 624, NSIC Rc 262, NSIC Rc 630, NSIC Rc 604, NSIC Rc 596, NSIC Rc 418, NSIC Rc 216, at Mestiso 20.
Batay sa pagboto ng mga kalahok, ang mga barayting pinaka-nagustuhan ng mga kalahok ay ang NSIC Rc 216, NSIC Rc 418, at ang Mestiso 20.
Ipinaliwanag naman ni Director Olvida na bahagi ang Lakbay Palay sa San Juan sa proyekto ng PhilRice na tukuyin ang mga barayti ng palay na pabor sa kondisyon ng bawat rehiyon.
Ang pagsasagawa ng proyektong ito ng PhilRice sa bayan ng San Juan sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office ay patunay ng pagsuporta at pagtutok ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa sektor ng agrikultura.

Post a Comment

0 Comments