𝐒𝐔𝐌𝐕𝐀𝐂 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀





 𝐒𝐔𝐌𝐕𝐀𝐂 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀

Matagumpay na naisagawa ang inisyal na pagpupulong at pagpaplano para sa SUMVAC Road Clearing Operation sa pangunguna ni DILG Officer Rodel Gamban.
Kasamang dumalo rito ang Municipal Traffic Enforcers, MDRRMO, EEMO, Municipal Engineering, BFP, PNP, concerned agencies and offices, at mga punong barangay.
Napagkasunduan sa pagpupulong na ipatutupad ang clearing operation sa April 4, 2025, araw ng Biyernes, mula 6:00 ng umaga sa kahabaan ng national road na sakop ng Brgy. Muzon, Poblacion hanggang Tipaz at maging hanggang Brgy. Hugom.
Nakatuon ang operasyon sa pagtatanggal ng mga iligal na istruktura, pagbabawal sa mga illegal vendor, at iligal na paradahan sa mga sidewalk, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga lansangan.
Bukod sa road clearing operation, tinalakay rin ang papel ng mga traffic enforcer sa paghuli ng colorum na sasakyan at pagpapatupad ng mga resolusyon hinggil sa mga tricycle na dumaraan sa highway.
Tiniyak naman ng mga dumalo sa pulong ang kanilang suporta sa operasyon, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang ligtas, organisado, at maayos na daloy ng trapiko sa bayan lalo na ngayong summer vacation.

Post a Comment

0 Comments