𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐈𝐍: Nasa Hongcheon County na sa Gangwon-Do province sa South Korea ang 100 seasonal farm workers na ipinadala ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng pamununo ni Mayor Ildebrando D. Salud katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Mainit silang sinalubong at tinanggap ni Hongcheon County Mayor Shin Young-jae.
Nakatakdang isagawa ngayong araw ang kanilang orientation na susundan ng paghahatid sa kanilang mga designated farm owner.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang San Juan, Batangas ang may pinakamaraming naipadadalang SFW sa South Korea sa buong bansa.
0 Comments