Nakarating na sa Ninoy Aquino International Airport ang 94 na seasonal farm workers mula San Juan





 Nakarating na sa Ninoy Aquino International Airport ang 94 na seasonal farm workers mula San Juan, Batangas na nakatakdang lumipad ngayong gabi patungong South Korea.

Sila ang ikalawang batch ng mga SFW ngayong taon na ipapadala sa naturang bansa bilang bahagi ng Seasonal Farmworkers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang San Juan, Batangas ang may pinakamaraming naipadadalang SFW sa South Korea sa buong bansa.

Post a Comment

0 Comments