Kaugnay ng Drowning Prevention Month, matagumpay na nagdaos ng Drowning Incident Management Training with Basic Life Support and First Aid Refresher Course ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa pamamagitan ng Municipal Health Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health-Center for Health Development Calabarzon at Provincial Health Office-Health Education and Promotion Unit, sa isang resort sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas.
Katuwang din sa aktibidad ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dinaluhan ito ng mga lifeguard, kinatawan mula sa mga resort, at Bantay Dagat upang pag-usapan ang mga hakbang sa pagpigil ng pagkalunod at iba pang posibleng aksidente sa tubig.
0 Comments