Ligtas na nakarating sa South Korea ang 94 seasonal farm workers na bahagi ng Seasonal Farmworkers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan

 




Ligtas na nakarating sa South Korea ang 94 seasonal farm workers na bahagi ng Seasonal Farmworkers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.

Pasado alas-kuwatro ngayong umaga, March 27, nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa Incheon International Airport sa naturang bansa.
Sila ang ikalawang batch ng seasonal farm workers ngayong taon na magtatrabaho sa Hongcheon County.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang San Juan, Batangas ang may pinakamaraming naipadadalang SFW sa South Korea sa buong bansa.

Post a Comment

0 Comments