𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Ligtas na nakarating sa South Korea ang 100 seasonal farm workers na bahagi ng Seasonal Farmworkers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan





 𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈: Ligtas na nakarating sa South Korea ang 100 seasonal farm workers na bahagi ng Seasonal Farmworkers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ildebrando D. Salud katuwang si Vice Mayor Octavio Antonio L. Marasigan, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Pasado alas-kuwatro ngayong umaga, March 20, nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa South Korea.
Hatinggabi kanina, lumipad ang grupo ng mga SFW patungong Incheon International Airport.
Sila ang unang batch ng seasonal farm workers ngayong taon na magtatrabaho sa Hongcheon County, Gangwon-Do Province sa nasabing bansa.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang San Juan, Batangas ang may pinakamaraming naipadadalang SFW sa South Korea sa buong bansa.

Post a Comment

0 Comments