𝐒𝐄𝐍𝐃-𝐎𝐅𝐅 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐀𝐑𝐌 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐄𝐑𝐒 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐀𝐃𝐀𝐃𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐊𝐎𝐑𝐄𝐀
Ginanap ngayong araw, March 26, ang Send-Off Ceremony para sa karagdagang 94 na Seasonal Farm Workers na ipadadala sa South Korea.
Ito na ang ikalawang batch ng mga SFW ngayong taon na tutungo sa Hongcheon County, na bahagi pa rin ng Seasonal Farm Workers Program ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa ilalim ng mapagkaisang pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD.
Sinimulan ang seremonya sa pambungad na pananalita ni Municipal Administrator Annalyn Moraleja-Macaraig.
Nagbigay din ng mensahe si International Coordinator for Mutual Cooperation, Sec. Margarito Sevilla Jr. at mga team leader bilang paalala sa mga dapat gawin pagdating sa South Korea.
Dumalo rin sa aktibidad ang ilang Sangguniang Bayan members.
May kabuuang 890 Seasonal Farm Workers ang ipadadala ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan, Batangas sa Hongcheon-gun, Gangwon province sa South Korea ngayong taon.
0 Comments