𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 |𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟰



 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 |𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟰

Ayon po sa deklarasyon ng Punongbayan ILDEBRANDO D. SALUD, suspendido na po ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan ng San Juan, Lunes, November 18, 2024 dahil sa inaasahang pag-ulan at malakas na hangin dulot ng bagyong #PepitoPH. Suspendido rin ang pasok ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Samantala, mananatiling bukas naman sa publiko ang mga tanggapan na naghahatid ng basic social services at emergency response.
Mayroong mataas na panganib ng storm surge na aabot sa 2.1-3 metrong taas na maaaring mangyari sa loob ng susunod ng 48 oras. Posible ang pagbaha dulot ng pagtaas ng tubig-dagat kasabay ng malalakas na alon sa mga mabababang baybaying komunidad.
Pinakikiusapan po ang lahat ng mga nasa Coastal Barangays at mga residente na nasa mababang lugar at tabing ilog na magtungo sa mga evacuation centers para sa inyong kaligtasan. Maghanda ng emergency kits, at patuloy na mag-monitor ng mga abiso mula sa lokal na pamahalaan para sa ating kaligtasan.
Manalangin po tayo para sa ating kaligtasan at pinag-iingat po ang lahat, kasabay ng pagiging handa at alerto sa masamang panahon.

Post a Comment

0 Comments