𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒
𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐀𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀
𝐒𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐘𝐎
Ang mga pampubliko at pribadong sementeryo ay bukas sa ganap na ika- 6:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng gabi mula Oktubre 30, 2024 hanggang Nobyembre 2, 2024. Hindi pinahihintulutan ang pagpasok ng anumang uri ng sasakyan sa loob ng sementeryo sa mga naturang oras at petsa.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal, pagdadala ng mga nakalalasing na inumin at pagdadala ng mga matatalim na makapananakit na bagay sa loob ng sementeryo.
Ang pagdadala ng mga bagay gaya ng tents, lamesa, mga silya at iba pa ay pahihintulutan lamang bago mag ika-6 ng umaga sa mga naturang petsa.
Papayagan lamang ang paglilinis at pagpipinta ng mga puntod sa sementeryo hanggang Oktubre 29, 2024.
Ang mga Pampubliko at Pribadong sementeryo ay dapat sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Sumunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng mga basura. Tandaan at isagawa ang “CLEAN AS YOU GO” AT “BASURA KO, LINIS KO”.
May mga FORCE MULTIPLIERS na itatalaga sa mga sementeryo simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, 2024 upang magbigay ng seguridad sa mga bibisita sa mga puntod.
Maaaring humingi ng tulong sa mga nakaantabay na Police at mga Medical Personnel kung kinakailangan sa lugal na itinalaga.
Ang mga senior citizens at PWDs na merong mga kondisyong pangkalusugan at nahihirapang maglakad ay pinapayuhan na huwag ng makipagsabayan sa Oktubre 30, 2024 hanggang Nobyembre 2, 2024
0 Comments