Nagsagawa ng isang independent at non-commission survey ang Pulso Ng Bayan - One Research Philippines Inc. nitong August 1-31, 2024 na mayroong 5,000 respondents mula sa iba't ibang lungsod at bayan ng lalawigan ng Batangas upang alamin ang Job Performance ng mga Mayor.
Nanguna si Mayor Eric Africa ng Lipa City na nakakuha ng 89.6%, pumangalawa si Mayor Beverley Dimacuha ng Batangas City na nakakuha ng 85.4%, sinundan ito ni Mayor Antonio Jose Barcelon ng Nasugbu na nakakuha ng 85% job performance rating.
Ang mga respondent ng survey ay pawang mga rehistradong botante na nasa edad na 18 hanggang 70 at nakatira sa lalawigan ng Batangas.
Sila ay random na pinili at ang bilang ng tumugon sa bawat Bayan at Lungsod ay ibinahagi ng patas batay sa datos ng populasyon sa pagboto.
0 Comments