𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐎𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐩 𝐒𝐡𝐨𝐩 (𝐁𝐎𝐒𝐒)
JANUARY 2-JANUARY 31, 2024
Sinimulan nitong Martes, Enero 2, 2024 ang Business One Stop Shop (BOSS) para sa renewal at bagong aplikasyon ng business permits sa bayan ng San Juan.
Sa pamamagitan nito, mas mapadadali ang pagproseso ng business permits ng mga business owners sapagkat sa tatlo at apat na hakbang lamang ay makukuha na nila ang kanilang business permits.
𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐒𝐭𝐞𝐩 𝐛𝐲 𝐒𝐭𝐞𝐩 𝐆𝐮𝐢𝐝𝐞::
Step 1 ASSESSMENT :
Kumpletuhin at Ipasa ang iyong aplikasyon at lahat nang kinakailangan sa BPLO Desk, at ipasa ang iyong babayaran. Ang assessment ay maaring makuha sa BPLO Office Desk.
Step 2 PAYMENT :
Magbayad sa Bureau of Fire Desk para sa inyong Fire Safety Inspection Certificate at Municipal Treasurers Office para sa Buwis at iba pang Babayaran.
Step 3 ISSUANCE :
Magbalik sa BPLO Desk dala ang mga Dokumento para Maaprubahan ang iyong Lisensya, Ang Lisensya ay matatanggap matapos itong malagdaan ng Punong Bayan.
0 Comments