Mapagpalang araw San Juaneños!




 Mapagpalang araw San Juaneños!

Muli po ang paanyaya ng ating PUNONG BAYAN ILDEBRANDO D. SALUD sa lahat po ng may kapasidad na makapag donate ng dugo. Magkakaroon pong muli ng Blood Letting Activity sa ika-19 ng Mayo, 2023 sa Evacuation Center, Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

Sa kasalukuyan, mas marami ang nangangailangan ng dugo kumpara sa mga nagdo-donate ng dugo. Hindi po natatapos at nawawala ang pangangailangan ng dugo ng ating mga kababayan bagkus ay mas lalo pang dumarami ang nangangailangan nito sa bawat araw.

Bago makapagbigay ng dugo, kailangan ang mga sumusunod:

 Iwasan ang paginom ng alak at pagsisigarilyo sa loob ng 24 oras

 Kumain ng sapat na pagkain at uminom ng 8 baso ng tubig

 May sapat na tulog mula 6-8 oras

 May maayos na blood pressure, pulso, temperature at hemoglobin level

 May timbang na hindi bababa sa 50 kilo

 Walang anumang maintenance ng gamot

Magkita kita po tayo sa darating na Biyernes, ika-19 ng Mayo 2023.

#dugtongbuhay2023

#DonateBloodSaveLives

Post a Comment

0 Comments