Pamamahagi ng relief goods sa mga residente na lubos na naapektuhan ng bagyong Paeng noong December 3, 2022

 





Lubos ang pasasalamat ng ating butihing Punong Bayan ILDEBRANDO "BEEBONG" SALUD sa tanggapan ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa pamamahagi ng relief goods sa mga residente na lubos na naapektuhan ng bagyong Paeng noong December 3, 2022.

Binisita din ng Senador ang nasirang tulay sa Bantilan Bridge at ipinangako na mapabilis ang pagsasaayos nito na sya rin ang Committee Chairman ng Public Works and Highways.

Ayon sa datos ng lokal na pamahalaan, may kabuuang 1,500 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay ng munisipalidad ang nakatanggap ng tulong mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Post a Comment

0 Comments