Lubos ang pasasalamat ng ating butihing Punong Bayan ILDEBRANDO "BEEBONG" SALUD sa lokal na pamahalaan ng Mangatarem, Pangasinan sa pangunguna ni MAYOR RAMIL VENTENILLA sa pagkakaloob ng 150 (25kg) sako ng bigas na nagmula mismo sa kanilang bayan.
Ito ang pangalawang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang nasabing alkalde ng Mangatarem, Pangasinan, una noong pumutok ang bulkang taal.
Malaking tulong po ito para sa mamamayan ng San Juan at mula sa aming puso MARAMING SALAMAT PO! MABUHAY PO KAYO!
Nagpapasalamat din ang Punong Bayan kina Sir Hebert Magsino at Atty. Mario De Guzman sa pagkakaloob ng 500 packs of groceries at syang naging daan upang madagdagan pa ang mga tulong na naipapaabot sa mamamayan ng San Juan.
"Sa araw-araw po nating pagsubaybay sa mga balita, nakakalungkot masaksihan ang mga kababayan natin na hinagupit ng nakaraang bagyong Paeng.Krisis na nga,binagyo pa!Kaya lahat halos apektado dahil sa mahal ng bilihin.
Pero sabi po nila,ganun talaga,tuloy lang ang buhay.
Paano po ba tayo magpapatuloy kung alam nating marami ang hirap makaraos sa pang-araw-araw na buhay?
Sa pagkakataong ito,gusto ko po sanang hilingin sa inyo na sa halip na regalong materyal na ipinapahatid ninyo taun-taon para sa aking kaarawan,lingapin po sana natin ang ating kapwa sa abot ng ating makakaya.Tulongan po natin sila sa abot ng ating Makakaya.
Marami po riyan.Lumingon lang po tayo sa ating paligid.Tapikin po natin ang ating kapit-bahay, kaibigan,kapamilya. "Kamusta ka, kumain ka na ba?"
Isa,dalawa o ilang kilong bigas at kung anuman na maaari n'yong ibigay,siguradong makakaraos po sila.
Masaya na po ako sa ganoon,humility aside.Knowing that I'm not alone and so are my neighbors,and your neighbors, too!
For this year,I am simply grateful to GOD to be ALIVE to witness so much goodness around me."
MAYOR RAMIL VENTENILLA
0 Comments