Lubos po ang pasasalamat ng ating Punong Bayan KGG ILDEBRANDO D SALUD sa mga San Juaneños na tumugon at naglaan ng oras upang makapag donate ng dugo sa ginanap na biglaang Blood Letting Activity noong ika-4 ng Nobyembre 2022. Ito ay sa pamamagitan ng kahilingan sa mga Punong Barangay na makapagpadala ng hindi bababa sa 5 donor kada barangay. Ito ay isinagawa upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo para sa ating mga kababayan.
Sa mensahe ni Admin Gng Annalyn Moraleja nagpasalamat siya sa mga magdodonate ng dugo sa kanilang malasakit sa kapwa. Aniya, lahat ng nagdo donate at regular na nag do donate ng dugo ay may malasakit sa kapwa sapagkat nais nilang makapag ligtas at makapag dugtong ng buhay ng walang anumang kapalit
Katuwang sa programang ito ang Batangas Medical Center, Provincial Health Office at DOH CALABARZON.
Bilang pasasalamat sa mga boluntaryong donor ay pinagkalooban ang mga successful donor ng 5kls na bigas mula sa Provincial Social Welfare Development Office sa pamamagitan ni PSWDO Joy Montalbo.
Ang pagdo donate ng dugo ay kusang loob lamang at walang anumang kapalit,subalit dahil sa marami ang hindi pa nakakaraos sa apekto ng bagyo bagaman naapektuhan ang marami ay hindi parin nawala sa puso ng marami ang hangarin na makatulong at makapag dugtong ng buhay kaya lubos rin natuwa ang mga donors sa kanilang natanggap na bigas.
Nagkaloob naman ng baller ang DOH Calabarzon sa mga successful donor.
Muli po ang pasasalamat sa mga patuloy na nakikisa sa programang ito upang makapag dugtong ng buhay, lalo't higit sa mga Punong Barangay na walang sawang nakikiisa sa mga programa ng pamahalaan upang makatulong sa ating mga kababayan.
Ang panawagan pa rin po na tayo ay makapag hikayat pa rin ng mga donor. Ang susunod pong Blood Letting Activity ay sa ika-27 ng Disyembre, 2022 sa Municipal Gymnasium. Sa mga nagnanais pong makiisa sa gawaing ito ay mag message lamang po sa LGU San Juan Batangas ng inyong pangalan at contact number o itext sa numerong 0919-066-0172.
#DonateBloodSaveLife
#DugtongBuhay2022
0 Comments