Matandang babae na duguan na nakatigil sa brgy. Lipahan






 PANAWAGAN

Ipinagbigay alam ng isang concerned citizen na si Maam Chona Carandang sa tanggapan MSWDO ngayong araw, Octobre 24, 2022 na may matandang babae na duguan na nakatigil sa brgy. Lipahan. Agad na inireport at pinuntahan ng MDRRMO Rescue Team, San Juan PNP at mga Barangay Officials at nilapatan ng paunang lunas. Inirefer ng MSWDO sa Social Worker ng San Juan District Hospital ang nasabing matanda. Wala pong maibigay na impormasyon o pagkilanlan ang pasyente. 

Kung sino man po ang nakakakilala sa matandang babae na nasa larawan ay maaring ibigay ang impormasyon at tumawag sa numerong 09688531599.

Post a Comment

0 Comments