Bilang pagtalima sa DILG Memorandum Circular No. 2022-085 ng ating Local Government Unit, sa pangunguna ni MLGOO Christie A. Arcega at ng ating Punongbayan Kgg. Ildebrando D. Salud, isinagawa ang Brgy. Poblacion road clearing operation partikular sa ating Pamilihang Bayan upang magkaroon ng maayos na daloy ng trapiko at maginhawang pamimili para sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan ni Economic Enterprise and Management Office (EEMO) Head Dr. Rosella E. Llaga at ng mga kasamahan niya sa nasabing tanggapan, kasama ang Brgy. Poblacion Chairman Clarice S. Castillo sampu ng kanyang mga kagawad at Brgy. Police, ng mga miyembro ng San Juan PNP at ng mga miyembro ng Municipal Traffic Enforcement, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing implementasyon.
.jpg)
0 Comments