Municipal Arbor Day 2022
Pinangunahan ng ating Punong Bayan ILDEBRANDO D. SALUD at ng Municipal Environment and Natural Resources Officer Noelito M Pasco kasama ang mga myembro ng Sangguniang Bayan,mga kawani ng lokal na Pamahalaan at mga Barangay Officials ang pagtatanim sa 5,000 na ibat ibang uri ng mga puno sa Sitio Pinagkawaran sa mga Brgy. Sapangan, Sitio Calbasahan at Sitio Maquitib sa Brgy. Quipot nitong byernes, July 15, 2022.
Nagpapasalamat ang Punong Bayan sa suporta at pakikilahok ng ating presidente ng Samahang Batangueña, Mayora Gina Salud, Bokal JP Gozos, CENRO OIC Mr. Willard Estillore at kanyang mga kasama sa ahensya ganoon din po ang PGENRO Batangas at mga masisipag na guro, pulis, sundalo, enforcer, Municipal PTA Federation at 4ps liders at members ng ating bayan. Mga ibat ibang organisasyon, business owners at kanilang mga kawani, NGOs at ang ating Media partners - KBP, EDGE TV at Radyo Kalusugan.
Ang suporta ng ibat ibang grupo at ng bawat indibidwal na nakilahok at nagbigay ng pagpapahalaga sa pangangalaga ng ating kalikasan ay may napakalaking kontribusyon upang patuloy po nating mapangalagaan ang ating kagubatan at kabundukan.

0 Comments