NATIONAL BLOOD DONORS MONTH

 


Maraming salamat po sa lahat ng BOLUNTARYONG MAMAMAYAN ng bayan ng San Juan, ganon din po sa taga-ibang bayan na naglaan ng kanilang panahon upang makapag donate ng dugo sa isinagawang Blood Letting Activity para sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month 2022 na ginanap sa Municipal Gymnasium ngayong araw na ito, July 15, 2022.

Maraming salamat din po sa lahat ng mga NGOs at iba't-ibang grupo, at sa mga Punong Barangay mula sa iba't ibang barangay na nakipagtulungan upang makakalap ng mga donors .
Gayon din po ang taos pusong pasasalamat sa mga naging ka partner po ng Bayan ng San Juan sa pangunguna po ng ating Punong Bayan Ildebrando D. Salud para sa programang ito, ang National Voluntary Blood Service Program, DOH CALABARZON, Batangas Blood Council, Provincial Health Office, Batangas Medical Center, Philippine Red Cross, at ABS-CBN.
Naging matagumpay po ang programang ito at nakakalap po tayo ng 202 units ng blood. Marami na po tayong madudugtungan muli ng buhay.
Patuloy po sana tayong makiisa sa programang ito para po sa mga nangangailangan ng dugo lalo't higit po ang ating mga kababayan.
Hanggang sa muli pong blood donations.

Post a Comment

0 Comments