Napakarami pong hamon at pagsubok na dumarating sa ating buhay lalo na sa panahon ng pandemya. Lubos po tayong nagpapasalamat sa gabay at pagmamahal ng ating Panginoon at ni Poong San Juan Nepomuceno upang malampasan at mapagtagumpayan ang mga ito.
Bilang mga tapat na tagasunod ng Panginoon, tungkulin po nating isabuhay ang Kanyang mga dakilang aral, magmalasakit at magbukas-palad sa ating kapwa, lalong-lalo na sa mas nangangailangan ng kalinga.
Isang malugod na pagbati sa lahat mula sa inyong lingkod Mayor Ildebrando D. Salud, Vice Mayor Anthony Marasigan at mga myembro ng Sangguniang Bayan sa pagdiriwang ng piyesta ng bayan ng San Juan.
VIVA SAN JUAN NEPOMUCENO!

0 Comments